Para sa mga minor at medium renovations, sapat na ang mga pangunahing gamit pang konstruksyon. Para sa mga malalaking proyekto at pagtatayo ng bahay, opsyonal ang mga kagamitan tulad ng portable concrete mixer, basta't ang proyekto ay matatapos sa oras at nasunod ang pamantayan.

Kailangan namin na ang mga contractors ay may smartphone (Android o iOS) para magamit ang Lhoopa contractor app at isang high-quality na camera para sa mga photos ng construction progress.